Sunday, October 11, 2009
nasalubong ko si ate myla bago magsimba... tinanong san ako punta...sabi ko magsisimba... eh baket mag-isa lang daw ako....
di ko pinagtuunan ng pansin yung reaksyon nya...naisip ko lang sanay naman ako na mag-isang nagsisimba...
si mama kasi pag sat nagsisimba... si ton either girlfriend ang kasama or ako...si edmil either si bianca ang kasama or ako...
ako --either chimays ang kasama or ako lang talaga mag-isa...
mahirap mag-aya ng tao kapag simba ang lakad... ewan ko... may santo demonyo siguro sa simbahan kaya ayaw nila magsisimba...
nakakainggit ang double up...
ako single up...
naiyak ako sa sermon ng pari... o baka hindi ako nakikinig talaga at umiiyak mag-isa... nakakatawa pati yung mga kantang pangsimbahan ay nakakapagpaiyak na din saken... ng mag-isa....
mahirap din pala yung quarter life crisis... o baka sadyang madugo lang ang mga nakaraang araw.... nakakapanibago...
talagang nararamdaman kong mag-isa ako....
talaga...
Posted at 10/11/2009 8:17:43 pm by emptyheart
.:magbasa bago magtanong:.
Monday, September 28, 2009
saturday
sabi ni mama wag na daw ako pumasok, signal number 1.. pero dahil final day pumasok pa din...
nagpumilit pumasok at nagklase...
10am - suspended ang class
ilang beses nag-attempt umuwi walang nangyari..
lahat ng kalsada unpassable
stranded
natulog sa skul..
parang di din nakatulog. . nag-aalala sa mga tao sa bahay...
sunday
umaraw na...
akala ko ok na.. mabilis nakarating sa cubao via mrt
bakas sa kalsada lahat ng winasak ng bagyo...
mga sirang pader sa edsa, mga tumirik na sasakyan, sirang kalsada, putik...
pero may mas grabe pa pala...
cubao... walang byahe papuntang antipolo
lrt ang naging pag-asa...
pagsilip ng tren sa liwanag mula katipunan, aninag na ang nawasak na paligid..
naglakad mula santolan hanggang ligaya...
maputik, mainit
pakiramdam ko end of the world na nun...
may mga dalang gamit at pagkain lahat ng tao... ako isang bag lang...
may tiwala pa din na magiging ok ang lahat...
di ko maaninag ang pag-asa na makatawid ng marcos hiway
lahat ng sasakyan nakahinto na
mas maputik
kaya lumiko papuntang marikina
mga nadaanan:
mga bahay na putikan
kagamitang nasa labas
kotseng mamahalin na nakabalagbag
baha
putik
mga taong naglilinis ng bahay
mga taong pagod na
walang madaanan kundi putik
pumara ng isang jeep na puno, nakiusap na makisabay...
at nakarating ng bayan
mas grabe pa pala...
mas mataas ang baha...
may taong akala ko natutulog lang sa kalsada... patay na pala...
nakakaiyak...
pero salamat kay bro...
nakaraos din ang paglalakad at nakauwi ng bahay....
pagdating ng bahay... sabi ni mama...
welcome home anak...
hay
kamusta kaya ang iba?
di bale... may rason pa din para maging masaya...
quarter life starts tomorrow...
Posted at 9/28/2009 7:46:34 pm by emptyheart
.:magbasa bago magtanong:.
Tuesday, September 22, 2009
miss miss miss
miss miss miss
miss miss miss
Posted at 9/22/2009 7:39:34 pm by emptyheart
.:magbasa bago magtanong:.
Saturday, September 19, 2009
cge barahan talaga
cge
Posted at 9/19/2009 11:20:10 pm by emptyheart
.:magbasa bago magtanong:.
Sunday, September 13, 2009
anong gagawin mo pag nakita mo siyang online?
a. magpapanggap na di mo siya nakikita
b. mag-invisible mode
c. maghintay na i-msg ka niya
d. mag-isip na may kachat siyang iba kaya di ka nya nakikita
e. mag-isip na wala ka nang halaga sa kanya
f. i-msg siya
g. mag-sign out at matulog na lang ulit
Posted at 9/13/2009 10:23:22 am by emptyheart
.:magbasa bago magtanong:.
Tuesday, September 08, 2009
hanggang kailan
may isang tatay na kasama yung anak sa ulan.. hawak ng tatay ang stroller na bag...
may isang babaeng nakasandal sa balikat ng lalaki...
may ulang di matigil sa pagbuhos...
may nawawalang mga titik ng ....
masakit...
kahit na paulit ulit nang nangyari...
madrama...
pero di malaman kung san humuhugot ng bala...
hanggang kailan...
m
a
m
o
y
a
Posted at 9/8/2009 7:28:40 pm by emptyheart
.:magbasa bago magtanong:.
Monday, August 31, 2009
para kang papel... tinatanggap mo na lang ang sakit...
para kang gunting... nananakit pero matalas pa din...
para kang bato... it's hard
Posted at 8/31/2009 9:41:07 am by emptyheart
.:magbasa bago magtanong:.
Sunday, August 30, 2009
nasermonan na naman ako.... kasi naman tong si claudia koronel nagpakasal sa isang mayamang businessman ba yun... pati ko dinamay pa... pumili daw ako ng.... ok fine...
it consultant...
nag-aabroad...
you deserve someone better...
k fine
k fine
k fine
Posted at 8/30/2009 4:59:35 pm by emptyheart
.:magbasa bago magtanong:.
Friday, August 14, 2009
nakasimangot ako paggising ko knina...
nakatulala sa hapag kainan... nakasimangot pa...
tumayo sya sa harap ko...
tiningnan ko siya...
ngumiti siya... parang sinabing good morning!
ngiting aso ang tugon ko
hinawakan nya ang mukha ko
tiningnan ang bawat anggulo
sa kaliwa.. sa kanan...
ngumiti ulit siya...
siguro.. nagtsismisan sila kagabi...
alam ko naman na ayaw nya din...
kaya nya kinilatis ung mukha ko kasi umaasa pa siyang makakabalik pa ko sa dati...
ayaw nya din....
Posted at 8/14/2009 6:53:43 pm by emptyheart
.:magbasa bago magtanong:.
Thursday, August 13, 2009
alam ko namang ayaw nya talaga ung ginagawa ko
pinilit ko na lang kasi sawa na ko sa kabila
bagong buhay sana
How's your day?
yan ang lageng bungad nya pag umuuwi ako
concern siya kung nag-eenjoy ako
pero ngayon ko napapatunayan na ayaw nya talaga...
lam ko concern lang din siya sa future ko
uu nga naman...
hay
hanggang ngayon... di ko pa rin siya mapasaya...
di ko pa rin maabot ung napakataas na expectation nya saken....
totoo naman kasi....
totoo namang ayaw nya....
ayan... baha na naman.....
Posted at 8/13/2009 6:28:27 pm by emptyheart
.:magbasa bago magtanong:.